Commentaries / Rants

LF: LAPTOP KEYBOARD COVER

AT SHOUTOUT NA RIN SA MGA COMPUTER SHOPS SA BUONG METRO MANILA: TANGGAP KO PA NA WALA NA KAYONG STOCK NG MINI-USB AT CF CARD READER, PERO PASHNEA PATI NAMAN ***LAPTOP KEYBOARD PROTECTOR*** WALA KAYO? KUNG MERON MAN PANG 14-INCH AT PANG DESKTOP KEYBOARD LANG MERON KAYO. SAAN BA AKO MAKAKAHANAP NG GANIYANG KLASENG ACCESSORY? KA-BASIC-BASIC NA LAPTOP ACCESSORY WALA? NAGHALUGHOG NA AKO SA STA LUCIA, MARQUINTON, MASINAG, ROBINSONS AT SM MARIKINA WALA!

Eh di wow na lang. At baka maniwala pa ako na kasabwat nila yung mga nagbebenta ng mga laptop keyboard na kamahal-mahal na PhP1,500 ang presyo.

Buti pa yung mga desktop keyboard may mumurahing protector pa para sa kanila sa CD-R King. Kid me not, may mga tig-300 akong nakikita na mga desktop keyboard na hindi nasisira kapag nabuhusan ng kape o juice.

P.S. Hindi ito kaartehan. Minsan na akong nakabuhos ng tubig sa laptop keyboard. Mas mainam pa itong investment kaysa gumasta ng PhP1,500++ (Gilmore price) pampalit ng laptop keyboard. At cumbersome din ang pagdadala ng external keyboard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *